Kalidad ng kapaligirang ekolohikal ng Tsina, bumubuti

2019-05-29 16:22:05  CRI
Share with:

Miyerkules, Mayo 29, 2019, pormal na isinapubliko ng Ministri ng Kapaligirang Ekolohikal ng Tsina ang "Ulat ng Kalagayan ng Kapaligirang Ekolohikal ng Tsina sa 2018." Ipinakikita nito na noong isang taon, ibayo pang bumuti ang kalidad ng hangin at tubig ng buong bansa, mabisang nakontrol ang panganib sa kapaligirang panlupa, at matatag sa kabuuan ang kayarian ng sistemang ekolohikal. Aktuwal na nararamdaman ng mga mamamayan ang positibong pagbuti ng kalidad ng kapaligirang ekolohikal, anito pa.

 

Isinalaysay sa nasabing ulat, pangunahin na, ang mga nilalaman tungkol sa siyam (9) na aspektong gaya ng hangin, tubig, dagat, lupa, likas na ekolohiya, tinig, radiasyon, pagbabago ng klima at likas na kapahamakan, imprastruktura, at enerhiya.

 

Ipinahayag ni Bo Chouyong, Puno ng Departamento ng Pagmonitor sa Kapaligirang Ekolohikal ng Ministri ng Kapaligiran ng Tsina, na itutuloy ng kanyang ministri ang pagsisikap para walang humpay na mapabuti ang kalidad ng kapaligirang ekolohikal ng bansa.

Salin:荔逢
标签:kapaligiran
Please select the login method