Tsina, buong tatag na tumututol sa mga maling pananalita ng Amerika sa isyu ng Taiwan at South China Sea

2019-06-02 15:20:56  CRI
Share with:

Kasalukuyang idinaraos sa Singapore ang Ika-18 Shangri-La Dialogue (SLD). Sa kanyang talumpati nitong Sabado, Hunyo 1, 2019 sa pulong, inilahad ni Patrick Shanahan, Pansamantalang Kalihim ng Tanggulang Bansa ng Amerika, ang umano'y "Indo-Pacific strategy."

 

Kaugnay nito, ipinahayag sa isang panayam ni Shao Yuanming, Deputy Chief of Staff ng Joint Staff Department ng Central Military Commission ng Tsina, na tinatanggap ng panig Tsino ang mithiing inilabas ni Shanahan sa kanyang talumpati tungkol sa patuloy na pagpapanatili ng matatag na relasyon ng hukbong Tsino at Amerikano. Ngunit, buong tinding tinututulan aniya ng panig Tsino ang pananalita niya sa mga isyu ng Taiwan at South China Sea.

 

Kaugnay ng isyu ng Taiwan, muling ipinahayag ng panig Amerikano na ayon sa umano'y "Taiwan Relations Act (TRA)," magkakaloob ito ng kinakailangang pagkatig sa Taiwan. Buong tatag itong tinututulan ng panig Tsino, ani Shao.

 

Tungkol naman sa isyu ng South China Sea, sinabi ni Shao na may di-mapapabulaanang soberanya ang Tsina sa mga isla sa South China Sea at karagatang nakapaligid dito. Ito aniya ay may lipos na batayang historikal at pambatas. Ang mga aksyong militar ng Amerika sa South China Sea ay hindi nakakabuti sa kapayapaan at katatagan sa rehiyong ito, dagdag pa niya.

 

Ipinagdiinan din niya na iginigiit ng Tsina ang pagpapasulong ng pagsasaktuparan ng ligtas sa sandatang nuklear na Korean Peninsula, at iginigiit ang paglutas sa mga isyu sa pamamagitan ng diyalogo at pagsasanggunian para mapangalagaan ang kapayapaan at seguridad sa naturang peninsula.

Please select the login method