Tsina at Rusya, nagdeklara ng magkasamang pangangalaga sa estratehikong katatagan sa buong mundo

2019-06-06 16:13:41  CRI
Share with:

 

图片默认标题_fororder_20190606XiPutin500

Moscow — Nitong Miyerkules, Hunyo 5, 2019, magkasamang lumagda ang mga lider ng Tsina at Rusya sa magkasanib na pahayag tungkol sa pagpapalakas ng kasalukuyang estratehikong katatagan sa buong mundo. Idineklara nito ang magkasamang pangangalaga ng dalawang bansa sa estratehikong katatagan sa buong mundo.

 

图片默认标题_fororder_20190606XiPutin2500

Ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na sa kasalukuyan, ito ay may espesyal na mahalagang katuturan na nagpapakita ng diwang may pananagutan at positibong epekto ng estratehikong pagtutulungang Sino-Ruso. Aniya, bilang kapwa pirmihang kasaping bansa ng United Nations Security Council, nakahanda silang magsikap kasama ng komunidad ng daigdig para buong tatag na maipagtanggol ang sistemang pandaigdig at mapangalagaan ang multilateral na mekanismong pangkalakalan.

图片默认标题_fororder_20190605trash4500

Ipinahayag naman ni Putin na dapat patuloy na palakasin ng Rusya at Tsina ang pagkokoordinahan at pagtutulungan sa mga mahalagang isyung panrehiyon at pandaidig, at dapat ding magkasamang harapin ang mga hamong dulot ng unilateralismo at proteksyonismo upang mapangalagaan ang kapayapaan at katatagang pandaigdig.

Please select the login method