Teatro Bolshoi Russia — Nitong Miyerkules, Hunyo 5, 2019, magkasamang dumalo sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Vladimir Putin ng Rusya sa selebrasyon ng ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Rusya at nanood sa pagtatanghal na pangkultura at pansining.
Sa kanyang mensahe, ipinahayag ni Putin na nitong 70 taong nakalipas sapul nang maitatag ang relasyong diplomatiko ng Rusya at Tsina, nakakaranas ang relasyong Ruso-Sino ng di-karaniwang proseso ng pag-unlad. Aniya, salamat sa pagkatig at pagtulong ng dalawang panig sa isa't-isa, ngayo'y nakaabot ang relasyon ng dalawang bansa sa pinakamataas na lebel sa kasaysayan. Ang magkasanib na pahayag na magkasamang nilagdaan at nilabas ng dalawang bansa sa araw na ito ay nakapagbigay ng mas dakilang hangarin sa pagpapalalim ng kooperasyong Ruso-Sino, aniya pa.
Bumigkas naman si Xi Jinping ng talumpating pinamagatang "Magkasamang Magsikap at Bali-balikatang Sumulong Para Makalikha ng Magandang Kinabukasan ng Relasyong Sino-Ruso sa Bagong Siglo."
Pagkatapos nito, magkasamang nanood ang dalawang lider sa pagtatanghal na pangkultura at pansining na hatid ng mga alagad ng sining ng dalawang bansa.