Pagpapalakas ng relasyong Sino-Ruso, matatag na estratehikong pagpili ng dalawang bansa — Xi Jinping

2019-06-06 16:09:04  CRI
Share with:

图片默认标题_fororder_20190606XiPutin2500

Sa kanyang pakikipag-usap sa Moscow nitong Miyerkules, Hunyo 5, 2019 kay Pangulong Vladimir Putin ng Rusya, tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na ang pagpapalakas ng relasyong Sino-Ruso ay buong tatag na estratehikong pagpili ng dalawang bansa.

 

Ipinahayag ni Xi na dapat palalimin ng Tsina at Rusya ang estratehikong pagkokoordinahan at pagtutulungan, at dapat ding palakasin ang pagkatig sa isa't-isa sa mga isyung may kaugnayan sa nukelong kapakanan ng dalawang panig. Aniya, dapat pasulungin ang pagtaas ng kalidad at pagpapabuti pa ng kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang bansa, at dapat palakasin ang kooperasyon sa mga larangang gaya ng kabuhayan at kalakalan, pamumuhunan, enerhiya, siyensiya't teknolohiya, at abiyasyon. Dapat ding aktibong pasulungin ang pag-uugnayan ng "Belt and Road" Initiative at Eurasian Economic Union, dagdag pa niya.

 

Ipinahayag naman ni Putin ang kahandaan ng panig Ruso na magkaloob ng sapat na langis at gas sa panig Tsino. Nakahanda aniya ang Rusya na dagdagan ang pagluluwas ng mga produktong agrikultural sa Tsina.

Please select the login method