Di-tiyak na patakaran ng Amerika, nakaapekto sa pamumuhunan ng mga kompanyang Tsino sa Amerika

2019-06-11 16:44:03  CRI
Share with:

Ayon sa ulat ng imbestigasyong komersyal sa mga bahay-kalakal na pinatatakbo ng puhunang Tsino sa Amerika sa taong 2019 na inilabas Lunes, Hunyo 10, 2019 ng China General Chamber of Commerce - U.S.A., ipinalalagay ng 52% ng mga respondents na lumalala kumpara noong isang taon ang kapaligiran ng pamumuhunan at negosyo ng Amerika noong 2018; tinaya ng 30% ng mga respondents na patuloy na lalala ang kapaligiran ng pamumuhunan at negosyo ng Amerika sa darating na 2 taon. Sa tingin naman ng 84% ng mga respondents, ang pagdaragdag ng di-tiyak na elemento sa mga patakaran ng Amerika ay nagsilbing pangunahing dahilan ng posibleng pagbabawas ng mga bahay-kalakal na Tsino ng pamumuhunan sa Amerika.

Kaugnay ng mga hamong may kinalaman sa patakaran, ang pinakamalaking pagkabahala ng mga respondents ay nakasalalay sa pagpapataw ng karagdagang taripa sa mga iniluluwas na panindang Tsino sa Amerika. Nakaranas ang 77% ng mga respondents ng negatibong epekto ng patakaran sa taripa.

Salin: Vera

Please select the login method