Isyu ng Korean Peninsula, nasa loob ng balangkas ng kalutasang pulitikal — Tsina

2019-06-13 15:36:53  CRI
Share with:

Nitong Miyerkules, Hunyo 12, 2019 ay unang anibersaryo ng pagtatagpo ng American at North Korean leaders sa Singapore.

 

Kaugnay nito, ipinahayag sa Beijing ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na kamakaila'y bumagal nang kaunti ang proseso ng talastasang pangkapayapaan ng Korean Peninsula. Ngunit, hindi nagbabago ang posisyon ng Hilagang Korea at Amerika na lulutasin ang isyung ito sa pamamagitan ng diyalogo, at nasa loob pa rin ng balangkas ng kalutasang pulitikal ang isyu ng Korean Peninsula, aniya pa.

 

Dagdag pa ni Geng, nakahanda ang panig Tsino na magsikap kasama ng komunidad ng daigdig para patuloy na makapag-ambag sa nasabing isyu.

Salin:荔逢
标签:Korean Peninsula
Please select the login method