Isiniwalat sa Beijing nitong Miyerkules, Hunyo 12, 2019 ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na gaganapin sa Britanya sa Hunyo 17 ang Ika-10 UK-China Economic and Financial Dialogue kung saan tatalakayin ng dalawang panig ang tungkol sa mga temang kinabibilangan ng kalagayan ng makro-ekonomiya, pagsasaayos sa kabuhayang pandaigdig, kalakalan at pamumuhunan, kooperasyong pinansiyal, at estratehikong kooperasyon. Magkasama itong pangunguluhan nina Hu Chunhua, Pangalawang Premyer ng Tsina, at Philip Hammond, Ministro ng Pinansya ng Britanya.
Ani Geng, inaasahan ng panig Tsino na sa pamamagitan ng nasabing diyalogo, mapapalakas ng Tsina at Britanya ang pagkokoordinahan at pagsasanggunian sa mga isyung pinansyal sa daigdig, ibayo pang mapapalalim ang bilateral na relasyong pangkabuhayan, at komprehensibong mapapalawak ang larangang pangkooperasyon ng dalawang bansa sa pundasyong may mutuwal na kapakinabangan at win-win result.
Naitatag ang nasabing mekanismo ng diyalogo noong 2008. Malaki nitong pinasusulong ang kooperasyong ekonomiko at pinansiyal ng dalawang bansa.