Ipinahayag Huwebes, Hunyo 27, 2019 ni Gao Feng, Tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na pagpasok ng taong ito, 47 bahay-kalaka o organong Tsino ang magkakasunod na inilakip ng panig Amerikano sa umano’y “Entity List” ng pagkontrol at pangangasiwa sa pagluluwas. Aniya, ang kilos ng panig Amerikano sa pagpapalawak ng ideya ng pambansang katiwasayan, at pagmamalabis sa hakbangin ng pangangasiwa at pagkontrol sa pagluluwas ay lumalabag sa simulain ng kompetisyon ng pamilihan, humahadlang sa normal na pagpapalitang pansiyensiya, panteknolohiya at pangkalakalan ng dalawang bansa, at nakakapinsala rin sa interes ng mga bahay-kalakal na Tsino’t Amerikano. Hindi makakabuti ito sa pagresolba sa isyu ng di-balanseng kalakalan na pinag-uukulan ng pansin ng panig Amerikano, at buong tatag na tinututulan ito ng panig Tsino, dagdag ni Gao.
Ani Gao, sa mula’t mula pa’y ipinalalagay ng panig Tsino na ang walang humpay na pagpapalalim ng Tsina at Amerika ng kooperasyon, at pagpapalawak ng positibong pagpapalitan, sa larangan ng hay-tek ay nakakabuti sa pagpapataas ng kabiyayaan ng mga mamamayan. Umaangkop din ito sa komong interes ng dalawang bansa, maging ng buong mundo. Hinimok niya ang panig Amerikano na agarang itigil ang maling aksyon, at bumalik sa landas ng kooperasyon.
Salin: Vera