Mga personaheng nagtanim ng kaguluhan sa Hong Kong, dapat mabigat na parusahan

2019-07-03 15:44:26  CRI
Share with:

Nitong Lunes, Hulyo 1, 2019, naganap sa Hong Kong ang isang grabeng marahas na insidente. Nagkabuhol-buhol ang trapiko sa mga pangunahing lansangan dahil sa aksyon ng mga ekstrimista. Sinalakay rin nila ang mga pulis sa pamamagitan ng chemical powder, sinugod ang gusali ng Legislative Council ng Hong Kong sa marahas na paraan, at buong tikis na sinira ang mga instalasyon ng Legislative Council. Matapos ang insidente, buong tinding kinondena ng iba’t ibang sirkulo ng lipunan ang marahas na kilos ng mga ekstrimista, at hiniling sa panig pulisya na komprehensibong siyasatin at mabigat na panagutin sa batas ang mga may-kagagawan.

Ang nasabing marahas na insidente ay yumurak sa pangangasiwa batay sa batas, nakasira sa kaayusan ng lipunan, at nakapinsala sa pundamental na kapakanan ng Hong Kong. Ito rin ay hayagang paghamon sa pundasyon ng simulaing “Isang Bansa, Dalawang Sistema.”

图片默认标题_fororder_20190703HKSAR1

Malinaw na ipinahayag ni Carrie Lam Cheng Yuet-ngor, Punong Ehekutibo ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR), na tiyak na pananagutin sa batas ang mga kriminal na gumawa ng naturang aksyon. Inilabas naman ng 42 mambabatas ng Pro-Establishment Camp ang kolektibong pahayag, kung saan nanawagan sila sa mga mamamayan na huwag pahintulutang masira ang kaayusang panlipunan. Samantala, nanawagan ang mahigit 60 grupo ng mga kabataan sa panig pulisya na siyasatin at parusahan ang mga may kagagawan sa lalong madaling panahon, para mapangalagaan ang pangangasiwa batay sa batas, seguridad at katatagan ng Hong Kong.

May lubos na kalayaan sa pagpaparada, demonstrasyon at pagtitipun-tipon ang mga taga-Hong Kong, sa ilalim ng garantiya ng saligang batas. Pinahahalagahan ng pamahalaan ng HKSAR ang mithiin ng mga mamamayan, pero di-nito matatanggap ang paghamon sa pundasyon ng lipunan, sa pamamagitan ng marahas na paraan, sa ngalan ng demonstrasyon.

Sa katuwiran ng pagtutol sa pagsusog ng mga ordinansa, pakana ng mga ekstrimista na sirain ang prinsipyong “Isang Bansa, Dalawang Sistema,” at pangangasiwa ng pamahalaan ng HKSAR. Buong tatag namang kinakatigan ng pamahalaang sentral ang paghawak ng pamahalaan at panig pulisya ng HKSAR sa marahas na aksyon, alinsunod sa batas, para mapanumbalik ang kaayusan ng Hong Kong at katahimikan ng mga mamamayan.

Salin: Vera

Salin:维拉
标签:Hong KongHKSAR
Please select the login method