Dalian, Tsina — Nitong Martes, Hulyo 2, 2019, dumalo si Premyer Li Keqiang ng Tsina sa dialogue meeting ng mahigit 200 kinatawan mula sa sirkulong industriyal at komersyal, pinansyal, think tank, at media sa daigdig na kalahok sa 2019 Summer Davos Forum, at sinagot niya ang mga tanong mula sa mga kinatawan.
Kaugnay ng kapaligirang pangnegosyo, ipinahayag ni Li na buong sikap na pinabubuti ng Tsina ang kapaligirang pangnegosyo na may mas mataas na lebel ng pagbubukas, kaliwanagan, at pag-asa. Bibigyan din aniya ng Tsina ng mas malaking pagpapahalaga ang pangangalaga sa lehitimong karapatan at kapakanan ng mga dayuhang mangangalakal.
Kaugnay ng pagbubukas ng industriyang pinansyal, ipinahayag ng premyer Tsino na ang pagpapalawak ng Tsina ng pagbubukas ng pinansya ay nakakatulong sa pagpapataas ng kalidad at pag-aangkat ng antas ng industriyang pinansyal ng bansa. Walang humpay na palalakasin ng pamahalaang Tsino ang pantay na pagsusuperbisa at pamamahala sa industriyang pinansyal, at buong sikap na pananatilihin ang katatagang pinansyal at matatag na takbo ng polisya ng pananalapi, aniya.
Bukod dito, sinagot din niya ang mga tanong tungkol sa pagsasaayos ng industrial chains, inobasyon ng mga bahay-kalakal, at iba pa.
Lubos namang pinapurihan ng mga kalahok ang mga positibong signal na inilabas ni Premyer Li sa panahon ng nasabing porum. Mataas nilang hinahangaan ang mga isinasagawang hakbangin ng Tsina para ibayo pang mapalalim ang reporma at mapalawak ang pagbubukas.