Tsina: lahat ng mga karagdagang taripa, dapat kanselahin kung mararating ng Tsina at Amerika ang kasunduan

2019-07-04 17:22:57  CRI
Share with:

Ipinahayag Huwebes, Hulyo 4, 2019, sa Beijing ni Gao Feng, Tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na ang unilateral na pagpapataw ng panig Amerikano ng karagdagang taripa sa mga iniluluwas na produktong Tsino ay simula ng alitang pangkabuhaya’t pangkalakalan ng dalawang bansa. Diin niya, kung mararating ng kapuwa panig ang kasunduan, dapat kanselahin ang lahat ng mga karagdagang taripa, at dapat tugunan ang nukleong pagkabahala ng panig Tsino.

Hinimok din aniya ng panig Tsino ang panig Amerikano na ipatupad sa lalong madaling panahon ang pangako nito sa pagpapahintulot ng pagbebenta ng mga bahay-kalakal na Amerikano ng mga produkto sa Huawei Technologies Co. Ltd ng Tsina.

Salin: Vera

Salin:维拉
Please select the login method