Kauna-unahang diyalogo ng mga ministro ng pananalapi ng Tsina at Italya, ginanap sa Milan

2019-07-11 10:45:34  CRI
Share with:

Milan, Italya—Ginanap Miyerkules, Hulyo 10, 2019 ang kauna-unahang diyalogo ng mga ministro ng pananalapi ng Tsina at Italya. Magkasamang nangulo sa diyalogo at dumalo sa Porum na Pinansyal ng Tsina at Italya ang mga Ministro ng Pananalapi na sina Liu Kun ng Tsina at Giovanni Tria ng Italya.

图片默认标题_fororder_20190711TsinaItalya1

Nagpalitan ng kuru-kuro ang kapuwa panig tungkol sa kalagayan ng makro-ekonomiya ng daigdig, pagsasaayos sa kabuhayang pandaigdig, estratehikong kooperasyon, kooperasyong pinansyal, pagsusuperbisa at pangangasiwa sa pinansya, pagpapalitan at pagtutulungan sa patakarang pinansyal at pampananalapi ng dalawang bansa, at iba pang paksa. Inulit nila ang magkasamang pangangalaga sa malayang kalakalan at multilateralismo, pagpapasulong at pagkokompleto ng pagsasaayos sa kabuhayang pandaigdig, aktibong pagpapatupad ng memorandum of understanding hinggil sa kooperasyon sa konstruksyon ng Belt and Road, at pagkatig sa konstruksyon ng Belt and Road at proyekto ng pamilihan ng ika-3 panig, sa pamamagitan ng kooperasyon sa pangingilak ng pondo. Kapuwa sang-ayon silang ibayo pang palakasin ang kooperasyon sa pamilihang pinansyal at pagsusuperbisa’t pangangasiwang pinansyal, at pasiglahin ang kani-kanilang mga organong pinansyal na mamuhunan sa pamilihan ng isa’t isa.

Salin: Vera

Salin:维拉
Please select the login method