Ika-13 pulong ng mga ministrong pandepensa ng ASEAN, idinaraos sa Bangkok

2019-07-11 10:46:57  CRI
Share with:

Mula Hulyo 10 hanggang Hulyo 12, 2019, idinaraos sa Bangkok, Thailand ang ika-13 pulong ng mga ministrong pandepensa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Ang tema ng kasalukuyang pulong ay “sustenableng seguridad.”

Nauna rito, ipinahayag ng tagapagsalita ng Ministri ng Tanggulan ng Thailand, na ang naturang pulong ay itinuturing na magandang pagkakataon para sa pagpapalakas ng kooperasyong militar ng iba’t ibang bansang ASEAN, at tatalakayin ng mga ministrong pandepensa ang mga isyung gaya ng kooperasyong panseguridad, isyu ng hanggahan, saklolong militar at medical, at iba pa. Bukod dito, ang mga paksang gaya ng pagpapalawak ng ASEAN ng kooperasyon sa Tsina, Hapon, Timog Korea, Australia, New Zealand, India, Rusya at Amerika ay tatalakayin din sa pulong.

Isiniwalat ng nasabing tagapagsalita na sa ASEAN Defence Ministers’ Meeting Plus (ADMM+) na gaganapin sa katapusan ng taong ito, tatalakayin, pangunahin na, ang hinggil sa pagpapalakas ng pagtitiwalaan, pagpapalakas ng kooperasyon sa pagbabawas ng epekto ng likas na kapahamakan, pagbibigay-dagok sa terorismo at iba pa.

Salin: Vera

Salin:维拉
Please select the login method