Ayon sa estadistikang inilabas Biyernes, Hulyo 12, 2019 ng Pangkalahatang Administrasyon ng Adwana ng Tsina, noong unang hati ng kasalukuyang taon, 14.67 trilyong yuan RMB ang kabuuang halaga ng pag-aangkat at pagluluwas ng kalakalang panlabas ng Tsina, at ito ay lumaki ng 3.9% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon. Kabilang dito, 7.95 trilyong yuan RMB ang pagluluwas, na lumaki ng 6.1%; 6.72 trilyong yuan RMB naman ang pag-aangkat, na lumaki ng 1.4%. Samantalang 1.23 trilyong yuan RMB ang trade surplus, na tumaas ng 41.6%.
Ipinahayag ni Li Kuiwen, Tagapagsalita ng naturang administrasyon na noong unang hati ng taong ito, mataag sa kabuuan at may paglago ang pag-aangkat at pagluluwas ng kalakalang panlabas ng Tsina, at maayos na sumulong ang de-kalidad na pag-unlad ng kalakalang panlabas. Kahit masalimuot at matindi ang kasalukuyang kapaligirang panlabas, at nahaharap sa isang serye ng mga hamon ang matatag na takbo ng kalakalang panlabas ng Tsina, hindi nagbabago ang pundamental na tunguhin ng pagbuti ng pag-unlad ng kalakalang panlabas sa mahabang panahon, at hindi nagbabago rin ang tunguhin ng pagbuti ng estruktura ng kalakalang panlabas, at pagbilis ng paglilipat ng lakas-panulak.
Salin: Vera