Nakikita sa mga litrato ang paghuli ng isda ng isang ibon sa Lotus Pond ng Nanhu Park ng Tangshan, Lalawigang Hebei ng Tsina. Nitong nakalipas na ilang araw, maraming ibon ang lumilipad sa Nanhu Park, at naglalaro sa Lotus Pond.
Noong nakaraan, pinabayaang lupa ang kinaroroonan ng Nanhu Park. Sapul noong 1996, sinimulan ng Tangshan ang komprehensibong pagsasaayos sa lupang ito, at binago ang abandonadong lupa sa isang magandang scenic spot.
Salin: Vera