CRI Komentaryo: Mga bansang kanluranin, dapat hiramin ang karanasan ng Xinjiang sa paglaban sa terorismo

2019-07-17 12:08:57  CRI
Share with:

Kamakailan ay magkakasamang nagpadala ng liham sa Tagapangulo ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) at UN High Commissioner for Human Rights ang mga pirmihang embahador ng 37 bansa sa Geneva na kinabibilangan ng Rusya, Saudi Arabia, at Pakitan. Binigyan ng positibong pagtasa ng liham ang tagumpay ng usapin ng karapatang pantao ng Rehiyong Awtonomo ng Xinjiang ng Tsina, at mga natamong bunga nito sa paglaban sa terorismo at de-extremization. Ipinapakita nitong makatarungan ang pagtasa ng komunidad ng daigdig sa pag-unlad ng Xinjiang, at tiyak na mabibigo ang tangka ng ilang bansang kaluranin na dungisan ang Xinjiang at patawan ng presyur ang Tsina, sa ngalan ng karapatang pantao. Dapat tularan nila ang karanasan ng Xinjiang sa paglaban sa terorismo, upang resolbahin ang sarili nilang problema.

Kabilang sa nasabing 37 bansa ang maraming bansang Islamiko, at noong nagdaang Hunyo, bumisita sa Xinjiang ang mga diplomata ng ilang bansang ito. Sumaksi sila sa mabilis na pag-unlad ng kabuhayan, at harmonya’t katatagan ng lipunan sa lokalidad, kaya mapanghikayat ang kanilang pagtasa sa isyu ng Xinjiang.

图片默认标题_fororder_20190717Xinjiang1

Nitong nakalipas na ilang panahon, tuluy-tuloy na pinalaganap ng ilang kanluraning puwersang pulitikal at media ang iba’t ibang tsismis, at isinagawa ang tikis na paninirang-puri sa lehitimong patakaran ng Tsina sa paglaban sa terorismo at de-extremization. Halimbawa, sinisiraan nila ang sentro ng pagsasanay sa vocational education para sa de-extremization, at sinasabi nilang ito ay “re-education camps.”

Lubos na bulag sa kasaysayan at kasalukuyang kalagayan ng pag-unlad ng Xinjiang ang ganitong pananalita. Sapul noong 1990, ang tinaguriang “tatlong puwersa” ng Xinjiang ay madalas na lumikha ng mga malubhang teroristikong pag-atake, kung saan maraming inosenteng mamamayan ang namatay o nasugatan, at grabeng sumira sa pag-unlad ng kabuhaya’t lipunan sa lokalidad. Kaugnay nito, isinagawa ng pamahalaang Tsino ang mga hakbangin, alinsunod sa batas, para mapangalagaan ang katatagan ng lipunan ng Xinjiang, bigyang-dagok ang mga terorista, at mapangalagaan, sa abot ng makakaya, ang karapatang pantao.

Ayon sa mga ito, kapansin-pansin ang bunga ng mga hakbanging kontra-terorismo na gaya ng pagtatayo ng sentro ng pagsasanay ng vocational education. Hanggang sa kasalukuyan, hindi naganap sa Xinjiang ang mga marahas o teroristikong insidente nitong nakalipas na 3 taon. Noong 2018, lumaki ng 6.1% ang GDP ng Xinjiang, at lampas sa 150 milyong person-time ang kabuuang bilang ng mga turistang tinanggap nito sa buong taon.

Ang terorismo at ekstrimismo ay komong hamong kinakaharap ng buong mundo. Walang karapatan ang mga bansang kanluranin na magsalita ng kung anu-ano hinggil sa isyu ng Xinjiang, at makialam sa mga suliraning panloob ng Tsina, sa katwirang ito. Karapat-dapat na bisitahin ng ilang bansang kanluranin ang Xinjiang, para hiramin ang karanasan nito kontra-terorismo.

Salin: Vera

Salin:维拉
Please select the login method