Xi Jinping, nakipagtagpo sa mga diplomatang Tsino sa ibayong dagat

2019-07-18 12:00:21  CRI
Share with:

Great Hall of the People, Beijing—Nakipagtagpo Miyerkules, Hulyo 17, 2019 si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa mga diplomatang Tsino na kalahok sa taunang work conference ng overseas envoys. Bumati si Xi sa pagdaraos ng nasabing pulong, at ipinahayag ang taos-pusong pangungumusta sa lahat ng mga diplomata at tauhang diplomatiko.

图片默认标题_fororder_20190718diplomata1

Sa pulong, malalimang inanalisa ang kasalukuyang kalagayang pandaigdig at yugtong historikal ng pag-unlad ng Tsina. Humiling ang pulong sa lahat ng mga diplomatang Tsino na tandaan ang kani-kanilang misyon, gawing patnubay ang kaisipang diplomatiko ni Pangulong Xi, at komprehensibong ipatupad ang mga plano ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) sa mga gawaing diplomatiko.

Salin: Vera

Salin:维拉
Please select the login method