Ika-4 na China-ASEAN Ethnic Culture Forum, ginanap sa Guilin

2019-07-18 12:05:06  CRI
Share with:

Guilin, Rehiyong Awtonomo ng Guangxi ng Tsina—Binuksan Miyerkules, Hulyo 17, 2019 ang Ika-4 na China-ASEAN Ethnic Culture Forum. Ang tema ng nasabing porum ay “Kooperasyong Panrehiyon at Komong Kaunlaran ng Etnikong Kultura ng Tsina at ASEAN.” Kalahok dito ang mahigit 150 iskolar at panauhin mula sa Tsina, Pilipinas, Kambodya, Laos, Malaysia, Myanmar, Thailand, Biyetnam, Indonesia, Brunei, Hapon at iba pang bansa.

图片默认标题_fororder_20190718Guilin1

Sa nasabing porum, nagpalitan ng kuru-kuro ang mga dalubhasa’t iskolar hinggil sa 3 paksang kinabibilangan ng pagpapalitan at pagbabahagi ng etnikong kultura ng Belt and Road, turismong pangkultura at berdeng pag-unlad, at turismo ng etnikong kultura at pag-unlad ng lunsod.

图片默认标题_fororder_20190718Guilin2

Salin: Vera

Salin:维拉
Please select the login method