Ipinalabas kamakailan ng Sddeutsche Zeitung, pahayagan na may pinakamalaking sirkulasyon sa Alemanya, ang artikulo na nagsasabing, hipokrisiya ang komentaryo ng mga kanluraning bansa sa panlipunang sistema ng kredit ng Tsina. Tinukoy ng artikulo na sa mga umano’y demokratikong bansa sa kanluran, lihim na isinagawa ang komprehensibong pagmomonitor at pagkokolekta ng data ng mga mamamayan, kailangang agarang isagawa ng mga manbabatas na kanluraninang aksyon para itigil ang naturang aktibidad.
Sinipi ng artikulo ang mga data at ulat na tumukoy ng katotohanan ng komprehensibong pagmomonitor na umiiral sa mga bansang kanluranin. Sinabi ng artikulo na umaasa ang Unyong Europeo (EU) na kokolektahin ang mga data ng mga turistang sumasakay ng tren, bus at cruise ship, at inililipat ang mga data sa departamento ng kaligtasan.
Salin:Sarah