Nakipagtagpo Hulyo 30, 2019, sa Bangkok ng Thailand, si Wang Yi, Kasangguni ng Konseho ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, sa kanyang counterpart sa Indonesia na si Retno Marsudi.
Ipinahayag ni Wang na sa pagtatagpo nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Joko Widodo ng Indonesia noong panahon ng Summit ng mga lider ng G20 sa Osaka, Hapon, narating ng dalawang lider ang bagong mahalagang komong palagay. Sa susunod na yugto, maghahanda aniya ang Tsina, kasama ng Indonesia para pataasin ang pagpapalitan ng dalawang bansa sa mataas na antas, at pasulungin ang lalo pang pag-unlad ng kooperasyon ng dalawang panig. Ipinahayag din ni Wang na sa serye ng Pulong ng mga Ministrong Panlabas sa kooperasyon sa Silangangang Asya, nakahanda ang Tsina kasama ng mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na kinabibilangan ng Indonesia, na magpokus sa kooperasyon sa Silangang Asya at buong Asya, para magkakasamang pasulungin ang kasaganaan at katatagan ng rehiyong ito.
Ipinahayag naman ni Retno Marsudi na nakahanda ang Indonesia na lalo pang pahigpitin ang pakikipagpalitan sa Tsina sa mataas na antas at pasulungin ang pagtitiwalaang puiltikal, para itayo ang walang humpay na pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa. Lubos aniyang inaasahan ni Pangulong Joko Widodo ang pagdalaw sa Tsina at paglahok sa Ika-2 China International Import Expo (CIIE).
Salin:Sarah