Dami ng benta ng bagong enerhiyang sasakyan ng Tsina, nasa unang pwesto sa daigdig nitong nakaraang 4 na taon

2019-08-13 16:53:12  CRI
Share with:

 

图片默认标题_fororder___172

图片默认标题_fororder___172_n55

Nitong ilang taong nakalipas, dito sa Tsina, walang humpay na umuunlad ang industriya ng bagong enerhiyang sasakyan. Unti-unting tinanggap ng mga mamamayang Tsino ang “berdeng paglalakbay” na ito.

Hindi umabot sa 10 libo ang dami ng benta ng bagong enerhiyang sasakyan noong 2009, pero, umabot ito sa 1.25 milyon noong 2018, na naging unang puwesto ng dami ng benta ng bagong enerhiyang sasakyan sa buong daigdig nitong nakaraang 4 na taon.

Ngayon, unti-unting binawasan ng pamahalaang Tsino ang subsidy sa pagbili ng bagong enerhiyang sasakyan, na maaaring magdudulot ng ilang epekto sa dami ng benta. Pero, ipinalalagay ni Hou Fushen, Pangalawang Kalihim ng China-Society of Automotive Engineers (SAE-China), na tiyak na magiging mas mabilis ang proseso ng pagsasakuryente ng sasakyan ng Tsina. Bukod dito, lalo pang pasusulungin ang mga pundamental na gawain na kinabibilangan ng lakas ng baterya, imprastruktura ng charging, pagkukumpuni ng bagong enerhiyang sasakyan at iba pa.

Please select the login method