Tsina: paglagay ng mga kompanyang Tsino sa Entity List ng Amerika, makakapinsala sa dalawang panig

2019-08-16 16:26:59  CRI
Share with:

Ipinahayag Agosto 15, 2019, ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang pag-asang agarang kikilalanin ng Amerika ang kalagayan at ititigil ang maling aksyon, at lulutasin ang isyu sa pamamagitan ng diyalogo.

Ang naturang pahayag ni Hua ay tugon sahakbang ng Kagawaran ng Amerika na naglagay sa 4 na bahay-kalakal na Tsino, kabilang ang China General Nuclear Power Corporation, sa entity list noong Agosto 13.

Sinabi rin ni Hua na ang naturang aksyon ng Amerika ay hindi lamang nakakapinsala sa mga bahay-kalakal na Tsino, kundi nakaapekto rin sa mga bahay-kalakal ng Amerika at ibang kinauukulang bansa. Buong tatag na tinututulan ng Tsina ang Amerika na makapinsala ng interes ng Tsina at iba’t ibang bansa ng daigdig sa pamamagitan ng ganitong unilateral at proteksyonistang patakaran.

Salin:Sarah

Salin:田青
Please select the login method