Sa nakaraang pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa Philippine embassy sa Beijing, itinanghal ang mga katutubong sayaw mula sa rehiyon ng Luzon, Visayas at Mindanao.
Apat na grupo ang game na game na nagpakita ng kanilang mga hidden talents at nagbuhos ng kanilang oras para sa pag-eensayo ng naturang palabas.
Para maging kinatawan ng Mindanao region, ang FilChurch ng Beijing International Christian Fellowship (BICF) ay nagtanghal ng Malong at Fan dance.
Hindi dito nagtapos ang kanilang pagbabahagi ng talento, dahil sa nakaraang Asia Dive Expo sa Beijing, muling inanyayahan ang grupo para ihabagi sa mga Tsino at mga dayuhan ang natatanging kultura ng rehiyon ng Mindanao.
Tubong Sultan Kudarat si Imee Acosta, at halos 2 dekada na siyang naninirahan sa Beijing. Sa kabila ng kanyang pagiging aktibo sa FilChurch Youth Group ng BICF, ang kanyang partisipasyon sa naturang malaking events ay ginawa niya sa kauna-unahang pagkakataon. Malaking karangalan ang maanyayahang maging “cultural ambassador” ayon kay Imee. Pero ano ang naging hadlang noon kung bakit di siya naging aktibo sa Filipino community events? Ano ang sikreto para maging maayos ang paghahanda para sa malaking cultural event sa Beijing? At higit sa lahat ano ang pinaka-importanteng bagay na nakuha niya sa naging karanasan? Ang lahat ng ito ay ikinuwento niya sa programang Mga Pinoy sa Tsina.