Taong 2000 nang maakit na magtungo ng Tsina si Imee Acosta. Isa siyang guro at buong tapang na sumuong sa hamon ng alok mula sa di pamilyar na bansa.
Si Imee Acosta (kaliwa), kasama si Mac Ramos (kanan) ng Serbisyo Filipino
Dumating siya sa panahong kakaunti ang gurong dayuhan sa Tsina, mataas ang demand kaya naman kahit may takot, sinimulan niya ang bagong karera sa Beijing. matapos ang 19 na taon, si Imee Acosta ay kasalukuyang librarian sa Dulwich College Beijing, 13 taon na siyang nagtatrabaho sa sikat na international school.
Si Imee Acosta at ang anak na si Julianna Herrerra
Sa episode ng Mga Pinoy sa Tsina, ibinhagi ni Imee Acosta kung paano niya napagtagumpayan ang mga pagsubok ng isang working mom.