Ipinalabas Setyembre 9, 2019, ng International Atomic Energy Agency (IAEA) ang pahayag na nagsasabing itinayo na ng Iran ang bagong centrifuge, na lumabag sa limitasyon ng Joint Comprehensive Plan of Action (JCPOA).
Ayon sa pahayag, itinayo ng Iran ang bagong centrifuge sa Natanz na maaaring isagawa ang mas mabilis at mas mabisang proseso ng uranium enriching.
Ipinatalastas noong Setyembre 7, 2019, ng Iran, na bilang hakbangin ng pagtigil ng pagsasakatuparan ng JCPOA sa ikatlong yugto, sinimulan na ng Iran ang “maunlad na centrifuge” para dagdagan ang reserba ng enriched uranium. Nauna rito, sunud-sunod na lumabag ang Iran sa limitasyon ng JCPOA sa uranium enrichment at heavy water.
Salin:Sarah