Mga Sangkap:
4 na piraso ng katamtamang laking talong, tinadtad
6 na kamatis, hinugasan at ginayat nang manipis
1 kutsarita ng oregano, dinikdik
4 na cloves ng bawang, pinitpit
1 katamtamang laking sibuyas, ginayat nang manipis
2 kutsara ng katas ng lemon
½ kutsarita ng asin
½ kutsarita ng pamintang durog
4 na kutasara ng cooking oil
Paraan ng Pagluluto:
Initin ang cooking oil sa kawali at igisa ang bawang, sibuyas at kamatis. Ligising mabuti ang kamatis. Takpan muna sa loob ng 1 minute tapos idagdag ang tinadtad na mga talong. Halu-haluin at takpan uli sa loob ng 5 minutes. Pagkaraan, idagdag ang asin, pamintang durog, oregano at katas ng lemon. Halu-haluing mabuti at takpan pa sa loob ng 10 minutes.
Pagkaraan niyan, puwede nang i-serve.