Ipinalabas Setyembre 24, 2019, ang “Ulat sa Pagbawas sa Kahirapan ng Asya,” ng Boao Forum for Asia(BFA).
Sinabi ni Li Xiaoyun, Punong Editor ng ulat at Propesor ng China Agricultural University, na ipinapakita ng komong karanasan ng mga bansang Asyano ang matatag na pulitika at maunlad na kabuhayan ay mahahalagang pundasyon sa pagbawas ng kahirapan. Ang Tsina, aniya, ay nagbigay ng pinakamalaking ambag upang natamo ang bunga sa usapin ng pagbawas ng kahirapan sa Asya.
Ipinalabas din nang araw rin iyon ng BFA ang Ulat ng Pananaliksik sa Berdeng Pag-unlad ng Belt and Road Initiative (BRI). Ayon sa salaysay ni Zhang Jieqing, Pangalawang Pangkalahatang Kalihim ng International Coalition for Green Development on the Belt and Road, na layon ng ulat na ito ay ipakita ang mga praktika ng mga bansa ng BRI sa berdeng pag-unlad, para lalo pang ibahagi ang komong palagay at palakasin ang kompiyansa.
Salin:Sarah