Agriculture Counsellor Ana Abejuela: Inilahad ang mga paghahanda para sa CIIE

2019-10-12 16:32:18  CRI
Share with:

Noong 2018 idinaos ang kauna-unahang China International Import Expo. Lumahok dito ang Pilipinas at naging matagumpay ito. Itinanghal dito ang piling mga produktong pagkain at agrikultural ng Pilipinas. Umabot sa US$ 124 million ang naiulat na benta o sales ng Philippine pavilion sa CIIE noong isang taon. At ngayong taon muling sasali ang Pilipinas sa highly anticipated na ekspo na gaganapin muli sa Shanghai ngayong Nobyembre 5 – 10, 2019.

图片默认标题_fororder_20191003MPST3

Ms. Ana Abejuela, Agriculture Counsellor ng Pilipinas sa Tsina

Pakinggan ang ikalawang bahagi ng interview ni Mac Ramos kay Ms. Ana Abejuela, Agriculture Counsellor ng Pilipinas sa Tsina na nakatuon sa partisipasyon sa ikalawang CIIE at kung bakit ito mahalaga para sa mga produktong Pilipino. Laman din ng episode na ito ang pagbati ni Counsellor Abejuela sa Ika-70 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina.

图片默认标题_fororder_20191003MPST4

Sina Agriculture Counsellor Ana Abejuela at Commercial Counsellor Glen Penaranda sa Philippine Agriculture Policy Seminar na bahagi ng mga aktibidad  kaugnay ng China ASEAN Forum on Agri Cooperation nitong Setyembre 2019 sa Nanning, Guangxi.

Please select the login method