Liu He at Pangulong Trump ng Amerika, nagtagpo

2019-10-12 11:32:55  CRI
Share with:

Nakipagtagpo Oktubre 11 (local time), sa White House, si Pangulong Donald Trump ng Amerika kay Liu He, Pirmihang Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina at Pangalawang Premyer ng Konseho ng Estado ng Tsina, na nagsasagawa ng bagong round ng talastasang pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Amerika sa mataas na antas.

Pinarating ni Liu ang mensahe ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Pangulong Donald Trump. Tinukoy ni Xi na ang talastasan ng Tsina at Amerika ay mainit na tinanggap ng mga mamamayan ng dalawang bansa at komunidad ng daigdig. Sa kasalukuyan, natamo ang progreso ng Sino-American trade talks, at dapat maayos na lutasin ng dalawang panig ang pagkabalisa ng isa’t isa para matamo ang mas maraming positibong progreso.

Ipinahayag ni Liu na sa kasalukuyang round ng talastasan, natamo ng dalawang panig ang aktuwal na progreso. Umaasa siyang patuloy na magsisikap ang dalawang panig para pasulungin ang malusog at matatag na pag-unlad ng relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang bansa.

Ipinahayag ni Pangulong Trump na, malakas ang pag-unlad ng relasyon ng Tsina at Amerika. Ang bunga na natamo ng Sino-American trade talks ay makakabuti sa Tsina, Amerika at buong daigdig. Umaasa siyang patuloy na pasusulungin ng dalawang bansa ang Sino-American trade talks.

Salin:Sarah

Salin:田青
标签:TsinaAmerika
Please select the login method