Binuksan Oktubre 21, 2019, sa Apia, kabisera ng Samoa, ang Ika-3 Porum ng China-Pacific Island Countries Economic Development and Cooperation. Sa seremonya ng pagbubukas, binasa ni Hu Chunhua, Pangalawang Premyer ng Tsina, ang mensahe ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, at bumigkas din siya ng sariling talumpati.
Sinabi ni Hu na ipinaliwanag ng mensahe ni Pangulong Xi ang direksyon ng naturang porum. Nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng iba’t ibang panig, para isakatuparan ang komong palagay ng mga lider, palalimin ang estratehikong ugnayan, palawakin ang kooperasyon sa iba’t ibang larangan, pasulungin ang pagpapalitan ng mga mamamayan, at lalo pang paunlarin ang komprehensibong estratehikong partnership ng Tsina at mga islang bansa ng Pasipiko.
Sa panahon ng pagdalaw sa Samoa, nakipagtagpo si Hu sa 10 personaheng na kinabibilangan ng mga lider ng bansa, mga puno ng delegasyon, at mga namamahalang tauhan ng iba’t ibang organisasyong sa mga kinauukulang rehiyon.
Salin:Sarah