Ika-3 21st Century Maritimes Silk Road China (Guangdong) International Communication Forum, idinaos sa Guangdong

2019-10-23 11:54:53  CRI
Share with:

图片默认标题_fororder_500

 

Binuksan Oktubre 22, 2019, sa lunsod Zhuhai ng lalawigang Guangdong ng Tsina, ang Ika-3 21st Century Maritimes Silk Road China (Guangdong) International Communication Forum, na magkasamang itinaguyod ng China Media Group (CMG) at lokal na pamahalaan ng Guangdong. Ang tema ng porum ay “Konstruksyon ng Guangdong-HongKong-Macao Greater Bay Area(GBA) at pag-unlad ng silk road sa dagat.”

Lumahok sa seremonya ng pagbubukas ng porum ang mahigit 300 personahe sa industriya ng media mula sa iba’t ibang bansa, na kinabibilangan ng dalawang mamamahayag ng Pilipinas na sina Virginia Arcilla-Agtay, Director ng News and Information Bureau-Philippine News Agency (NIB-PNA), at Marshall Louis M. Alferez, Consul General ng Konsulada ng Pilipinas sa Guangzhou.

Ipinatalastas ni Ma Xingrui, Gobernador ng lalawigang Guangdong, ang pagbubukas ng porum. Sa kanyang talumpati, tinukoy ni Fu Hua, Ministro ng Impormasyon ng lalawigang Guangdong, na ang Guangdong ay mahalagang hub ng Belt and Road Initiative (BRI). Patuloy na pinapalalim ng Guangdong ang reporma at pinapalawak ang pagbubukas sa labas, aniya.

Ipinahayag naman ni Hu Bangsheng, miyembro ng Editorial Board ng CMG, na buong lakas na susuportahan ng CMG ang konstruksyon ng GBA, at makikipagkooperasyon sa Guagndong sa iba’t ibang larangan. Nakahanda rin aniya ang CMG na palakasin ang pakikipagkooperasyon sa media ng iba’t ibang bansa para sa pagpapabuti ng ekolohiya ng komunikasyong pandaigdig, at pagpapalalim ng kooperasyon sa mga nilalaman at iba pang espekto ng pangkomunikasyon, para magkakasamang pasulungin ang kasaganaan at 21st Centrury Maritime Silk Road.

Ipinahayag ni Kahalil Shirgholami, kinatawan ng mga delegasyong dayuhan sa Guangdong at Consul General ng Iran sa Guangzhou, na umaasa siyang sa pamamagitan ng 21 st Century Martime Silk Road, lalo pang mapapabuti ang pagkakaibigan ng iba;t ibang bansa, at mapapasulong ang kooperasyon. Bumigkas din ng talumpati ang iba pang mga kilalang dalubhasa at iskolar mula sa loob at labas ng Tsina.

Ang “The Belt and Road (BR)” na iniharap ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina mula noong 2013, ay kinabibilangan ng “Silk Road Economic Belt” na tumutukoy ng silk raod sa lupa at “ 21st-Century Maritime Silk Road”na tumutukoy ng silk road sa dagat.

Salin:Sarah

 

Salin:田青
标签:SilkroadBR
Please select the login method