Premyer Tsino at Pangulong Pransya, nag-tagpo

2019-11-07 11:20:39  CRI
Share with:

 

Nakitagpo Nobyembre 6, 2019, sa Great Hall of the People dito sa Beijing, si Premyer Li Keqiang ng Tsina, kay Emmanuel Macron, dumadalaw na Pangulo ng Pransya.

Ipinahayag ni Li na nagpalitan sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Macron sa panahon ng pagdalaw, at natamo ang maraming bunga. Kapuwa Tsina at Pransya ay pangunahing ekonomiya ng buong daigdig, ang kooperasyon ng dalawang bansa ay makakabuti sa dalawang panig, sa Gitnang Europa at sa buong daigdig. Sa kasalukuyan, masalimuot ang kalagayang pandaigdig, dapat palakasin ng Tsina at Pransya ang estratehikong komunikasyon para ipadala ang positibong mensahe sa daigdig. Umaasa si Li na patuloy na palalakasin ng Tsina at Pransya ang kooperasyon sa iba’t ibang larangan.

Ipinahayag ni Macron na malakas ang pag-unlad ng relasyon ng Tsina at Pransya, at sa panahon ng kanyang pag-dalaw, narating ng dalawang panig ang mga aktuwal na bunga sa mga larangan. Nakahanda aniya ang Pransya na magsikap, kasama ang Tsina, para patuloy na palakasin ang pagpapalitan sa mataas na antas, palalimin ang kooperasyon sa iba’t ibang larangan, para magkasamang mapangalagaan ang multilateralismo at malayang kalakalan.

Salin:Sarah

Salin:田青
Please select the login method