Pulong Lehislador ng Tsina at Ispiker ng Cyprus, nag-usap

2019-11-07 11:23:23  CRI
Share with:

 

Nag-usap Nobyembre 6, 2019, sa Great Hall of People dito sa Beijing, nina Li Zhanshu,    tagapangulong ng Pirmihang Lupon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC), at Demetris Syllouris, Ispiker ng Republic of Cyprus.

Ipinahayag ni Li ang welkam kay Syllouris na opisyal na dumalaw sa Tsina at lumahok sa Ika-2 China International Import Expo (CIIE). Sinabi ni Li na sa pamumuno nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Nicos Anastasiades ng Cyprus, matibay ang pagtitiwalaang pulitikal ng dalawang bansa, at natamo ang positibong progreso ng kooperasyon ng dalawang panig sa iba’t ibang larangan. Nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ang Cyprus, alinsunod sa Belt and Road Initiative para walang humpay na pataasin ang lebel ng kooperasyon ng dalawang bansa, at pasulungin ang pagtatamo ng bagong bunga sa pangkaibigang kooperasyon ng Tsina at Cyprus.

Sinbi ni Syllouris na masigla ang talumpati ni Pangulong Xi ng Tsina sa CIIE. Ang bagong hakbangin ng pagbubukas ng Tsina ay magdudulot ng mas malaking pagkakataon para sa iba’t ibang bansa ng daigdig na kinabibilangan ng Cyprus. Itinuturing ng Cyprus ang Tsina bilang mahalagang estratehikong partnership, at nakahandang aktibong pasulungin ang aktuwal na kooperasyon ng dalawang panig sa iba’t ibang larangan, at palalimin ang pangkaibigang pagpapalitan ng mga mamamayan, para magbigay ng bagong ambag para sa pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa.

Salin:Sarah

Salin:田青
Please select the login method