CRI Komentaryo: Lebel ng kooperasyon ng Tsina at Greece,tumaas

2019-11-13 16:34:25  CRI
Share with:

 

Dumalaw si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Greece mula noong Ika-10 hanggang Ika-12 ng buwang ito at natamo ang maraming bunga. Ipinakita nito na tumaas ang komprehensibong estratehikong partnership ng Tsina at Greece, at walang duda, magdudulot ito ng bagong pagkakataon ng pag-unlad sa mga mamamayan ng dalawang bansa at magsusulong ng relasyon ng Tsina at Europa.

Pinapalawak at pinatataas ang antas ng kooperasyon ng Tsina at Greece, at ito ay magdudulot ng mahalagang epekto sa relasyon ng Tsina at Europa. Sa pamamagitan ng Greece, lilitaw ang bagong puwersang tagapagpasulong para sa kooperasyon ng Tsina at mga bansa sa Gitna at Silangang Europa sa Belt and Road (BR), na magpapasulong ng pag-unlad ng relasyon ng Tsina at buong Europa.

Kung patuloy na mahigpit na magtutulungan ang Tsina at Greece at susuporta sa isa’t isa, tiyak na magiging mas mabunga ang relasyon ng dalawang panig, na magdudulot ng benepisyo para sa mga mamamayan ng dalawang bansa, sa kooperasyon ng Tsina at Europa, at sa kasaganaan at kaunlaran ng buong daigdig.

Salin:Sarah

Salin:田青
标签:komentaryoGreece
Please select the login method