Nakipagtagpo Nobyembre 12, 2019, sa Athens ng Greece, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, kay Alexis Tsipras, dating Punong Ministro ng Greece.
Lubos na pinapurihan ni Xi ang pagsisikap na isinagawa ni Tsipras sa kanyang termino para sa pagpapasulong ng pagkakaibigan at kooperasyon ng Tsina at Greece. Sinabi ni Xi na buong tatag na sinusuportahan ng Tsina ang pamahalaan at mga mamamayan ng Greece na harapin ang epekto ng krisis na pinansyal, at walang humpay na pinapasulong ang aktuwal na kooperasyon ng dalawang bansa. Nananalig siyang ang magkasamang pagtatatag ng Belt and Road (BR) ay tiyak na makakatulong sa kooperasyon ng dalawang panig sa kinabukasan.
Ipinahayag ni Tsipras na lubos na pinasalamatan ng mga mamamayan ng Greece ang tulong ng Tsina at itinuturing ang Tsina bilang totoong kaibigan. Lubos na pinapurihan ng Greece ang Belt and Road Initiative (BRI) na iniharap ni Pangulong Xi. Sinabi pa ni Tsipras na handa siyang patuloy na palakasin kasama ng kanyang partido ang pagpapalitan sa Partido Komunista ng Tsina (CPC) para pasulungin ang pag-unlad ng relasyon ng Tsina at Greece at buong Europa.
Lumahok din sa pagtatagpo sina Ding Xuexiang, Yang Jiechi, at Wang Yi.
Salin:Sarah