Nakipagtagpo Disyembre 3, 2019, dito sa Beijing, si Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina, kay Dating Pangulong Hamid Karzaï ng Afghanistan, na lumalahok sa 2019 Imperial Springs International Forum.
Ipinahayag ni Wang na ang kalagayan ng Afghanistan ay pumasok na sa masusing panahon. Iginagalang ng Tsina ang kabuuan ng teritoryo at soberanya ng Afghanistan, at sa paunang kondisyon ng paggalang sa mithiin ng mga mamamayan ng Afganistan, nakahanda ang Tsina na patingkarin ang konstruktibong papel para sa pagpapasulong ng proseso ng kapayapaan ng Afghanistan.
Ipinahayag naman ni Karzaï na taos pusong pinasalamatan ng Afghanistan ang pagsisikap ng Tsina para pasulungin ang diyalogong panloob ng kanyang bansa. Nakahanda aniya ang Afghanistan na palakasin ang koordinasyon sa Tsina para pasulungin ang pagsisimula ng diyalogo sa lalo madaling panahon.
Salin:Sarah