Tsina at Timog Korea, magkasamang pangangalagaan ang multilateralismo, isusulong ang kapayapaan at katatagan sa rehiyon

2019-12-05 14:28:01  CRI
Share with:

 

Nag-usap Disyembre 4, 2019, sa Seoul ng Timog Korea, sina Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina at Ministrong Panlabas Kang Kyung-wha ng Timog Korea.

Ipinahayag ni Wang Yi na ang Tsina at T.Korea ay mahalagang magkapitbansa at partner. Mabuti ang pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa sa pamumuno ng mga lider ng dalawang panig. Sa harap ng walang katiyakang kalagayang pandaigdig, dapat palakasin ng dalawang bansa ang pagpapalitan at pagtutulungan sa iba’t ibang larangan, para magkasamang mapangalagaan ang komong kapakanan, at patingkarin ang konstruktibong papel para sa kapayapaan at katatagan ng rehiyong ito. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng T.Korea, para balangkasin nang mabuti ang mahalagang pagpapalitan ng dalawang bansa sa mataas na antas. Malugod na inanyayahan si Pangulong Moon Jae-in ng T.Korea na dumalaw ng Tsina para lumahok sa Ika-8 Pulong ng mga Lider ng Tsina, Hapon at Timog Korea. Tinukoy ni Wang na dapat palakasin ng Tsina at T.Korea ang koordinasyon sa multilateralismo, para itatag ang bukas na kabuhayan sa buong mundo.

Ipinahayag naman ni Kang Kyung-wha na masalimuot ang kalagayang panrehiyon at pandaigdig sa kasalukuyan, lubos na pinahahalagahan ng T.Korea ang relasyon at kooperasyon sa Tsina. Sinusuportahan ng T.Korea ang multilateralismo na ang nukleo ay United Nations. Nakahanda ang T.Korea na magsikap, kasama ng Tsina, na palakasin ang estratehikong koordinasyon, palalimin ang pagpapalitan at pagtutulungan sa iba’t ibang larangan, para pasulungin ang bagong pag-unlad ng estratehikong pangkooperasyong partnership ng Tsina at T.Korea.

Nagpalitan din ang dalawang panig ng palagay hinggil sa isyung nuklear ng Korean Peninsula. 

Salin:Sarah

Salin:田青
标签:TsinaTimog Korea
Please select the login method