Nitong Biyernes, Disyembre 6, 2019, magkasamang nangulo sa Beijing sina Yang Jiechi, Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina, at Shigeru Kitamura, Puno ng National Security Council (NSC) ng Hapon, sa Ika-7 Diyalogong Pulitikal sa Mataas na Lebel ng Tsina at Hapon.
Ipinahayag ni Yang na noong nagdaang Hunyo, narating nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon ang mahalagang komong palagay tungkol sa pagtatatag ng relasyong Sino-Amerikano na angkop sa kahilingan ng bagong panahon. Ito aniya ay nakapagbigay ng direksyon para sa pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa sa susunod na yugto. Dapat agarang isakatuparan ng dalawang bansa ang pagkakasundong ito upang aktibong mapasulong ang malusog at matatag na pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa, dagdag niya.
Bukod dito, buong pagkakaisang ipinahayag ng dalawang panig ang kahandaang magkasamang magsikap para maigarantiya ang maalwang pagsasagawa ng mga mahalagang agendang pulitikal at diplomatiko ng dalawang bansa sa susunod na taon.
Salin: Li Feng