Tsina, patuloy na ipagkakaloob sa mga kompanyang dayuhan ang mainam na kapaligiran at sistemang pangnegosyo

Share with:

Ipinahayag kahapon, Lunes, ika-9 ng Disyembre 2019, ni Ren Hongbin, Asistanteng Ministro ng Komersyo ng Tsina, na buong taimtim na ipapatupad ng kanyang bansa ang Batas sa Pamumuhunang Dayuhan na pormal na paiiralin sa unang araw ng susunod na taon, at mga katugong hakbangin. Ito aniya ay para patuloy na ipagkaloob sa mga kompanyang dayuhan ang mainam na kapaligiran at sistemang pangnegosyo.

Sinabi rin ni Ren, na ibayo pang pabubutihin ng Tsina ang kapaligirang pangnegosyo, pasisiglahin ang bitalidad ng sistema, bubuuin ang bagong sistema ng mga patakaran, at hihimukin ang pagpasok ng mga puhunang dayuhan sa mga bagong sibol na industriya at larangan.

Salin: Liu Kai

Please select the login method