Ngayong araw, ika-12 ng Disyembre 2019, ay ang ika-5 anibersaryo ng pagsasaoperasyon ng unang yugto ng "south-to-north water diversion project" ng Tsina.
Sa araw na ito, isinalaysay ni Jiang Xuguang, Pangalawang Ministro ng Yamang-tubig ng Tsina, na nitong 5 taong nakalipas, halos 30 bilyong metro kubikong tubig ang inilipat mula sa timog na bahagi ng bansa na may masaganang yamang-tubig, patungo sa hilagang bahagi na kulang sa tubig. Ang mga tubig na ito aniya ay naging pangunahing pinagmumulan ng tubig sa mahigit 40 malaki at katamtamang-laking lunsod sa kahabaan ng proyekto, at nakikinabang dito ang mahigit 120 milyong mamamayan.
Ayon kay Jiang, natamo rin ng proyektong ito ang malaking bunga sa aspekto ng ekolohiya. Sinabi niyang, dumadaloy din ang naturang mga tubig sa ilang ilog sa lalawigang Hebei, na kulang na kulang sa tubig. Dahil dito, kapansin-pansing napabuti ang kapaligirang ekolohikal sa kahabaan ng naturang mga ilog, dagdag ni Jiang.
Salin: Liu Kai