CRI Komentaryo: Krisis ng WTO: dapat buong tatag na tutulan ang proteksyonismo at unilateralismo

2019-12-13 11:46:36  CRI
Share with:

 

Itinigil ang operasyon Disyembre 11, 2019, ang Word Trade Orgnization (WTO) Appellate Body, dahil sa paghadlang ng Amerika. Sinabi ng media na ito ay “pinakagrabeng pagsisira sa sistema ng multilateral na kalakalan,” na sumasagisag na may posibilidad babalik ang pandaigdigang kaayusang pangkalakalan sa panahon ng walang panuntunan, at magdudulot ng malaking kapinsalaan.

Ang Appellate Body ng WTO ay kilala bilang “Korte Suprema”, na gumaganap ng mahalagang papel para sa pagsasakatuparan ng WTO ng responsibilidad nito. Ang ginawa ng Amerika ay nagpakita ng hegemonismo nito, at kinondena ito ng komunidad ng daigdig. Sa kabilang dako, nagpakita din ito ng kakulangan ng kasalukuyang mekanismo ng WTO.

Bilang pinakamalaking umuunlad na bansa at ikalawang pinakamalaking ekonomiya ng daigdig, buong tatag na napapangalagaan ng Tsina ang malayang kalakalan at sistema ng multilateralismong kalakalan na batay sa panuntunan, at sinang-ayunan ang paggawa ng kailangang reporma sa WTO batay sa mga pundamental na prinsipyong bukas, walang diskriminasyon at iba pa, para igarantiya ang kapakanan ng mga umuunlad na bansa.

Sa kasalukuyan, naging mas malaki ang presyur ng economic downturn. Ang paghahadlang sa operasyon ng WTO ay, walang duda, magdudulot ng grabeng kapinsalaan sa komong interes ng iba’t ibang bansa. Dapat magkaisa ang buong daigdig, buong tatag na tutulanin ang proteksyonismo at unilateralismo, mapangalagaan ang pagiging epektibo ng WTO, para maisasakatuparan ang magkasamang pag-unlad.

Salin:Sarah

Please select the login method