Tsina at Amerika, nagkasundo sa teksto ng kasunduang pangkabuhayan at pangkalakalan sa unang yugto

Share with:

Nagkaroon na ang Tsina at Amerika ng pagkakasundo sa teksto ng kasunduang pangkabuhayan at pangkalakalan sa unang yugto. Kabilang sa tekstong ito ay ang paunang salita, karapatan ng pagmamay-ari sa likhang-isip (IPR), paglilipat ng teknolohiya, pagkain at produktong agricultural, serbisyong pinansyal, exchange rate at kaliwanagan, pagpapalawak ng kalakalan, bilateral na pagtasa at pagresolba sa hidwaan, at pinal na probisyon. Samantala, sinang-ayunan ng dalawang panig na tupdin ng panig Amerikano ang kaukulang pangako nitong yugtu-yugtong kanselahin ang karagdagang taripa sa mga produktong Tsino.

Nakakatulong ang nasabing teksto sa pagpapalakas ng kooperasyong Sino-Amerikano sa larangang pangkabuhayan at pangkalakalan, mabisang pagkontrol at paglutas sa kanilang pagkakaiba sa larangang ito, at pagpapasulong ng matatag na pag-unlad ng relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang bansa. Bukod dito, nakakatulong din ito sa pagpapalakas ng kompiyansa ng pandaigdigang pamilihan, at nagkakaloob ng mainam na kapaligiran para sa normal na aktibidad na pangkabuhayan at pangkalakalan, at pampamumuhunan.

Nagkasundo na ang dalawang panig na sa susunod na hakbang, tatapusin nila ang kani-kanilang kinakailangang prosesong gaya ng pagsusuring pambatas sa lalong madaling panahon.

Salin: Li Feng

Please select the login method