Ipinahayag nitong Lunes, Disyembre 23, 2019 ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na nakahanda ang Tsina na magsikap kasama ng Cuba para mapasulong pa ang tradisyonal na pagkakaibigan at mapagkaibigang pagpapalitan ng dalawang bansa sa iba't-ibang larangan, at makapaghatid ng mas maraming benepisyo sa kanilang mga mamamayan.
Idinaos kamakailan ang ika-9 na National Assembly of People's Power ng Cuba. Ayon sa nominasyon ni Pangulong Miguel Díaz-Canel Bermúdez, nanungkulan si Manuel Marrero Cruz bilang unang Punong Ministro sapul nang umakto ang bagong konstitusyon ng bansang ito. Si PM Cruz ang unang PM sa loob ng 40 taon. Huling nagkaroon ng PM ang Cuba noong 1974.
Kaugnay nito, ipinahayag ni Geng na ito ay may mahalagang katuturan. Ipinaabot din niya ang maringal na pagbati tungkol dito.
Salin: Li Feng