Ipinahayag sa Beijing Martes, Disyembre 31, 2019 ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na buong tatag na ipagtatanggol ng panig Tsino ang pagkakapantay at katarungang pandaigdig, at tututulan ang anumang unilateralismo at hegemonya para mapasulong ang paglutas sa isyung nuklear ng Iran sa paraang pulitikal.
Sa kanyang pakikipagtagpo sa araw ring ito kay Ministrong Panlabas Mohammad Javad Zarif ng Iran, ipinahayag ni Wang ang kahandaan ng panig Tsino na isakatuparan ang narating na pagkakasundo ng mga lider ng dalawang bansa, patibayin ang pagtitiwalaang pulitikal, at palalimin ang pragmatikong kooperasyon para mapasulong ang komprehensibo't estratehikong partnership ng Tsina at Iran.
Salin: Li Feng