Ayon sa ulat kahapon, Miyerkules, Enero 1 2020, ng China Construction Sixth Engineering Division Corp, Ltd, natapos na ang konstruksyon ng bahagi ng Temburong Bridge ng Brunei, na itinayo ng kompanyang ito.
Ayon pa rin sa kompanyang Tsino, sinimulan noong Oktubre 1, 2015 ang konstruksyon ng naturang bahagi ng tulay na may halos 12 kilometrong haba. Dumaan ang bahaging ito sa forest reserve area at latian. Sa proseso ng konstruksyon, isinagawa ng kompanya ang mga hakbangin, para pangalagaan ang kapaligirang ekolohikal, at pagtagumpayan ang kahirapang dulot ng kakulangan sa mga pasilidad.
Ang Temburong Bridge, na may halos 30 kilometrong kabuuang haba, ay kasalukuyang pinakamalaking proyekto ng imprastruktura ng Brunei. Ini-uugnay nito ang Muara District at Temburong District na nasa magkabilang pampang ng Brunei Bay. Pagkaraang isaoperasyon ang tulay na ito, ang panahon ng biyahe sa pagitan ng nasabing dalawang lugar ay mapapaikli sa 15 minuto lamang, mula sa kasalukuyang dalawang oras.
Salin: Liu Kai