Ayon sa ulat ngayong araw, Biyernes, ika-3 ng Enero 2020, ng Munisipal na Kawanihan ng Ekolohiya at Kapaligiran ng Beijing, noong 2019, umabot sa 240 ang bilang ng mga araw kung kailan ang kalidad ng hangin sa Beijing ay nakaabot sa lebel na maganda o medyo maganda. Samantala, 4 lamang ang bilang ng mga araw na may grabeng polusyon sa hangin, at ang PM2.5 ay nananatiling pangunahing polutant sa hangin sa Beijing.
Ayon pa rin sa naturang kawanihan, noong isang taon, bumuti ang kalagayan ng kalidad ng hangin sa Beijing, at ito ay dahil sa tuluy-tuloy na pagsasagawa ng mga hakbangin ng pagpigil at pagsupil sa polusyon sa hangin sa lunsod.
Salin: Liu Kai