Nagkabisa kamakailan ang ikalawang yugtong protokol ng Kasunduan ng Malayang Kalakalang Sino-Pakistani. Kaugnay nito, ipinahayag sa Beijing nitong Martes, Enero 7, 2020 ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na nakahanda ang Tsina na magsikap kasama ng Pakistan para makapaghatid ng mas maraming benepisyo sa dalawang bansa at kanilang mga mamamayan.
Ayon sa ulat, nagsimulang isagawa mula unang araw ng Enero ng kasalukuyang taon ang kaukulang hakbangin ng pagbabawas ng taripa na itinakda sa naturang ikalawang yugtong protokol.
Salin: Li Feng