Ipinahayag sa Beijing Huwebes, Enero 9, 2020 ni Tagapagsalita Gao Feng ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa susunod na linggo, lalagdaan ng Tsina at Amerika ang unang yugto o phase one ng kasunduang pangkabuhaya't pangkalakalan.
Ani Gao, kasalukuyang mahigpit na nagkokoordinahan ang mga grupo ng dalawang panig tungkol sa nasabing kaganapan.
Salin: Li Feng