Beijing — Sa kanyang pakikipagtagpo Huwebes, Enero 9, 2020 sa delegasyon ng House of Representatives ng Hapon, sinabi ni Li Zhanshu, Pangulo ng Pirmihang Lupon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC), na ang malusog at matatag na pag-unlad ng relasyong Sino-Hapones ay angkop sa pundamental na kapakanan ng dalawang bansa at kanilang mga mamamayan. Ito rin aniya ay unibersal na mithiin ng komunidad ng daigdig.
Ani Li, nakahanda ang Pirmihang Lupon ng NPC na magsikap kasama ng Mataas at Mababang Kapulungan ng Dieta ng Hapon, para mapangalagaan ang pundasyong pulitikal ng relasyon ng dalawang bansa, at mapasulong ang kanilang pragmatikong kooperasyon sa iba't-ibang larangan.
Salin: Li Feng